DSWD SAP beneficiaries list updated February 2021

25225
SAP beneficiaries list

The Philippine Government’s Department of Social Welfare and Development (DSWD) has published the list of beneficiaries for the Social Amelioration Program (SAP). The SAP beneficiaries list is available on the official DSWD field office websites.

UPDATE: SECOND TRANCHE REACHES MORE THAN 10 MILLION FILIPINO FAMILIES

The DSWD has distributed more than PhP66.4 billion in payments to eligible Filipino families under the SAP.

Eligible Filipino families affected by the ongoing COVID-19 pandemic have been receiving payments under the SAP.

According to the DSWD, more than 11.5 million Filipino families are eligible to receive payments under the SAP.

DSWD said in a statement on Twitter: “Narito ang latest na datos sa 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng DSWD. Batay sa datos noong ika-5 ng Agosto, umaabot na sa P66.4 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 10,223,307 pamilyang benepisyaryo ng SAP.”

Payments under the SAP has been made to more than 88% of eligible Filipino families. The DSWD has said that they hope to complete the 2nd tranche of payments by the third week of August.

With the ongoing COVID-19 pandemic still very much affecting everyone on the planet, governments around the world are still trying their best to take care of their citizens. Part of the Philippine Government’s response is to provide financial aid through different initiatives, including the Social Amelioration Program (SAP).

WHAT IS THE SAP?

The SAP is financial aid provided by the Philippine Government to more than 18 million families affected by COVID-19 restrictions.

Philippine president Rodrigo Duterte signed the Bayanihan to Heal as One act into law on March 25, 2020.

The Department of Social Welfare and Development (DSWD), is the government agency primarily responsible for the distribution of the SAP to eligible Filipino families.

Other government agencies involved are:

Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), and Department of the Interior and Local Government (DILG).

HOW MUCH CAN I GET FROM THE SAP?

SAP payments were distributed to families, not to individual applicants. Depending on a number of factors, eligible Filipino families could have received up to PhP8,000.00 a month for two months under the SAP.

Maximum amounts varied by region, for example:

  • National Capital Region (NCR) – PhP8,000.00
  • Region IV-A (CALABARZON) – PhP6,500.00
  • Cordillera Administrative Region (CAR) – PhP5,500.00
  • Region V – PhP5,000.00

WHO IS QUALIFIED TO RECEIVE THE SAP?

Families with the following family members were eligible for the SAP:

  • Senior citizens
  • Persons with disabilities
  • Pregnant women
  • Single parents
  • Overseas Filipino Workers (OFWs) affected by COVID-19
  • Indigenous Filipinos
  • Living below the poverty line
  • Homeless
  • Informal workers

Filipinos under the DSWD’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program were prioritized to receive the SAP, including farmers and fishermen.

HOW TO APPLY FOR THE SAP

To apply for the SAP, applicants were required to secure Social Amelioration Cards (SAC) from their Local Government Units (LGUs).

LGUs were responsible for distributing SAP funds to eligible families.

OTHER FINANCIAL AID AVAILABLE

Filipino families who were not eligible to receive SAP payments could also apply for the following assistance programs:

  • DSWD’s Livelihood Assistance Grants (LAG) and Sustainable Livelihood Program (SLP)
  • DOLE’s CAMP or Tulong Pangkabuhayan sa Displaced and Underprivileged Workers (TUPAD) programs
  • DTI’s Para sa Pagbabago at Pag-Asenso Enterprise Rehabilitation Fund (P3-ERF) and Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso and the Livelihood Seeding Program and the Negosyo sa Serbisyo sa Barangay Program
  • DA’s Survival and Recovery (SURE) program for farmers and fishermen.

WHAT IS DSWD?

The DSWD is the Philippine Government’s department responsible for the protection of its citizen’s social welfare rights. It is also responsible for the promotion of social development.

WHAT IS THE SAP?

THe SAP provides emergency cash subsidy of up to PhP8,000.00 to more than 18 million low-income families in the Philippines.

The SAP is based on the minimum wage of the recipient’s region.

The information will also be available on the main DSWD website: www.dswd.gov.ph

The list will include SAP beneficiaries at the baranggay, municipal and provincial levels.

The release of the SAP beneficiaries list is part of the DSWD’s efforts in helping the public better understand the process.

The list identifies the recipients who have already received the funds.

DSWD has also established the Grievance Redress System (GRS) to report any concerns they might have about the list.

DSWD LINKS TO BARANGGAY, MUNICIPAL & PROVINCIAL SITES

Any concerns may be reported to the DSWD through its Central Office Operations Center at 16545 | (947) 482-2846 | (916) 247-1192 and (923) 933-3215.

Text messages can be sent to (918) 912-2813 and by email at [email protected]

DSWD said that concerns submitted will be attended to within 24 hours.

Click here for the link to the official DSWD website: https://www.dswd.gov.ph/list-of-sap-beneficiaries/

SAP BENEFICIARIES LIST BY REGION

  • For the National Capital Region (NCR) list, click here.
  • For the Field Office I list, click here.
  • For the Field Office II list, click here.
  • For the Field Office III list, click here.
  • For the Field Office IV-A list, click here.
  • For the Field Office IV-B list, click here.
  • For the Field Office V list, click here.
  • For the Field Office VI list, click here.
  • For the Field Office VII list, click here.
  • For the Field Office VIII list, click here.
  • For the Field Office IX list, click here.
  • For the Field Office X list, click here.
  • For the Field Office XI list, click here.
  • For the Field Office XII list, click here.
  • For the CAR list, click here.
  • For the CARAGA list, click here.
  • For the BARMM list, click here.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ABOUT THE SAP

  1. Bakit ang Social Amelioration Program (SAP)?

Dahil sa seryosong banta ng COVID 19 sa kalusugan, kaligtasan, seguridad at buhay ng mga mamamayan, ang pamahalaan ay nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para mapagaan kung di man kayang sugpuin ang paglaganap ng COVID-19. Ang ECQ ay nagdulot ng di magandang epekto sa hanapbuhay at kasiraan sa mga aktibidad ng ekonimiya. Upang makabangon ang ating bansa sa pandemic na ito, kailangan and bayanihan o pagtutulungan ng bawat isa. Ang pamahalaan at mga pribadong sector at mga stakeholders ay magkatuwang sa paghatid ng social amelioration program at seguridad para sa lahat ng mga apektadong sector lalong-lalo na ang mga maralita at mga lubos na nangangailangan.

  1. Ano ang Social Amelioration Program (SAP)?

Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isang pangangalagang panlipunang programa at hakbang ng iba’t ibang ahensya ngpamahalaan (inter-agency measure) upang makatulong na mapagaan ang epekto sa lipunan at kabuhayan ng krisis-pangkalusugan na COVID-19 at mga panuntunang ipinatutupad ng enhanced community quarantine (ECQ) (R.A. No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” at JMC No. 1 Series of 2020).

  1. Anu-anong ahensya ang nagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP)?

Kabilang sa mga ahensyang ito ay ang DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DOF) (Bayanihan Act at JMC No. 1 Series of 2020).

Katuwang o nagbibigay rin ng tulong ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatupad ng SAP.

  1. Ano ang ibinibigay na ayuda ng DSWD sa ilalim ng SAP?

Ang Emergency Subsidy Program (ESP) ang tawag sa ayudang nasa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD sa panahon ng ECQ sa pakikipagtulungan sa Local Government Units (LGUs) o mga lokal na pamahalaan mula panlalawigan hanggang sa barangay. (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020, Section V).

  1. Ano ang ayuda sa ilalim ng SAP-ESP?

Ito ay ang cash assistance o ayuda ng pamahalaan na tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya katulad ng pagkain, gamot at iba pa dulot ng ECQ upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kalusugan laban sa banta ng COVID-19. Maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong pamilya ng mula P5,000 hanggang P8,000 depende sa kasalukuyang umiiral na regional wage rates (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1 at MC 9, Series of 2020, Section V).

  1. Magkano ang cash assistance mula sa SAP-ESP?

Ang bawat kwalipikadong pamilya ay makakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000. Ang halagang ito ay nakabatay sa minimum wage ng isang rehiyon (JMC No. 1, Series of 2020; Definition of Terms #5, 5.1).

  1. Ilang buwan o beses makakatangap ng ayuda mula sa SAP-ESP?

Dalawang buwan, o dalawang beses, makakatanggap ng ayuda ang mga kwalipikadong pamilya na nsa ilalim ng ECQ. Ito ay mula buwan ng Abril at Mayo 2020 (MC 9, Series of 2020).

  1. Lahat ba ng pamilya ay makakatanggap ng ESP?

Hindi. Ang ESP-SAP ay nilikha para sa mga low-income o mahihirap na pamilya na napapabilang sa informal sector at mga pamilyang may miyembro ng bulnerableng sektor (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).

  1. Ilang pamilya ba ang makakatangap ng ayuda mula sa SAP-ESP?

Nakasaad sa Bayanihan Act na 18 milyong low income na pamilya na pinaka-apektado ng ECQ ang bibigyan ng ayuda ng pamahalaan (Bayanihan Act, Section 4c)

  1. Sinu-sino ang mga kwalipikadong makatanggap ng SAP-ESP?

Kwalipikado ang mga mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ. Sila dapat ay nasa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Kwalipikado rin ang mga pamilyang nasa impormal na sektor na may miyembro na kabilang sa bulnerableng sektor gaya ng Senior Citizens, Persons with Disability (PWDs), Indigenous Peoples (IPs) atbp. Kwalipikado rin ang street dwellers o mga walang tirahan (MC 9, Series of 2020, Section VI-A).

  1. Paano kung sa isang pamilya ay may senior citizen, PWD o buntis, lahat ba ay makakatanggap?

Hindi. Bawat kwalipikadong pamilya ay nasa P5,000 – P8,000 lang ang matatanggap na ayuda. Ang ayuda ay para sa pamilya at hindi para sa indibidwal.

  1. Senior Citizen, PWD, solo parent o buntis ako, hindi ba ako kasali?

Pamilya ang ginagawang batayan ng assessment at hindi indibidwal. Dumulog sa inyong barangay o LGU, sabihin ang inyong kalagayan upang ma-assess ang inyong kwalipikasyon base sa itinakdang guidelines (MC 9, Series of 2020, Section VI-A, No. 3-d).

  1. Nangungupahan lang kami. Hindi kami botante dito sa barangay namin. Hindi ba kami pwede?

Ang SAP ay program ng pambansang pamahalaan at pondo nito na inilaan para sa ESP ay mula rin sa pambansang pamahalaan at hindi ng LGUs. Hindi usapin dito kung saan ka naka-rehistro bilang botante. Usapin ito ng kung saan ka inabutan ng ECQ (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).

  1. Maaari bang makita ang listahan ng mga makakatanggap ng SAP-ESP?

Naglabas ang DILG ng pahayag na dapat ipaskil o i-post ang mga pangalan ng kwalipikadong benepisyaryo ng SAP-ESP upang masiguro na transparent ang pagpapatupad ng programa. Maaaring magtanong ng listahan sa Barangay o sa LGU. Isinasaayos na din ng DSWD na mailagay sa webpage nito sa dswd.gov.ph ang link ng listahan ng mga nakatanggap na ng ayuda. (https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-to-Punong-Barangays-Post-list-of-SAP-beneficiaries-in-barangay-hall-for-transparency/NC-2020-1100).

  1. Lahat naman ay apektado, bakit pinipili niyo lang ang binibigyan ninyo?

Ang lahat ay apektado ng ECQ. Ang lahat ay nais tulungan ng pamahalaan ngunit ang pamamahagi ay base sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyong pagbibigayan at labis na pang-unawa ay higit na kailangan sa panahon ngayon.

Ang SAP-ESP ay hindi lamang ang tanging ayuda ng pamahalaan. Ito ay tulong lamang ng pamahalaang pambansa sa LGUs. May iba pang programa at serbisyo ang barangay, LGUs at iba pang ahensya para sa lahat.

  1. Kwalipikado naman ako (mahirap din ako), bakit hindi ako kasali?

Dalawa ang maaaring dahilan. Una, hindi ka kwalipikado sa DSWD ngunit kwalipikado ka sa mga programa ng ibang ahensya (halimbawa: “No work no pay” sa isang pribadong kumpanya, kung saan ang ayuda ay manggagaling sa DOLE). Pangalawa, napuno na ang paunang listahan ng mga kwalipikadong mga mahihirap na pamilya. Alinman sa dalawa ang dahilan, maaari kayong umapela sa inyong LGUs upang ma-assess ang inyong pangangailangan. Maaring i-rerefer kayo sa akmang ahensya o i-eendorso kayo sa DSWD (MC 9 Series of 2020, Section VII at Section XII).

  1. Construction worker ako na na-stranded sa Maynila at nasa probinsya ang aking pamilya, kasali ba ako?

Hindi ka maaaring makatanggap ng SAP-ESP sapagkat ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal. Maaari ring mabigyan ng SAP ang iyong pamilya sa probinsya kung saan ka nakatira kung sila ay kwalipikado.

Magkagayun man, may ibang serbisyo na maaring ibigay ang pamahalaan para sa mga stranded na construction workers sa katulad ng pagbibigay ng food packs, transportation assistance, atbp. (MC 9 Series of VI-A-l).

  1. Maaari bang mabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng SAP-ESP ang mga tanod, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at Day Care Workers?

Sila ay maaaring mapabilang sa mga maaaring ikunsidera ng lokal na pamahalaan para sa tulong pinansyal kung sila ay:

Kabilang sa mahirap o impormal na sektor;
Walang ibang pinagkukunan ng kabuhayan maliban sa pagiging boluntaryong trabahante ng barangay o lokal na pamahalaan, at;
Sila lamang ang mag-isang taga-pagtaguyod ng pamilya.
(Memorandum From the Secretary, dated April 17, 2020, regarding the Inclusion of BHWs, Tanods and BCWs as Target Beneficiaries of the Social Amelioration Programs; April 20 DSWD EXECOM meeting regarding the inclusion of BNS).

Memorandum From the Secretary, dated April 17, 2020, regarding the Inclusion of BHWs, Tanods and BCWs as Target Beneficiaries of the Social Amelioration Programs; April 20 DSWD EXECOM meeting regarding the inclusion of BNS).

  1. Sinu sino ang mga hindi kabilang na kwalipikado sa SAP-ESP?

Ayon sa mga alituntunin na inilabas ng DSWD, ang mga sumusunod ay hindi kasama sa mga maaaring tumanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP-ESP:

Mga halal at itinalagang mga opisyal at kawani ng gobyerno kahit ano man ang status ng kanilang employment (Permanent, Casual, Contractual, Cost of Service, Job Order);
Mga empleyado sa Pribadong Sektor o nasa Formal Economy na maaaring sumasahod;
Mga indibidwal na retired na at nakakatanggap ng pension (Gaano man kaliit o kalaki ang pensyon); at
Mga indibidwal na may kapasidad na pinansyal upang masuportahan ang kanilang pamilya (MC 9 Series of 2020, Section VI-B).

  1. Bakit hindi maaring makatanggap ng ng SAP-ESP kung empleyado ng pamahalaan?

Kahit may miyembro na nasa informal economy o bulnerableng sektor, sila ay hindi napapabilang sa higit na prioridad dahil patuloy ang kanilang sahod sa panahon ng ECQ (MC 9 Series of 2020, Section VI-B).

  1. Bakit kasali sa ‘excluded’ sa SAP-ESP ang mga empleyado ng Pribadong Sektor o mga nasa Formal Economy kahit No work, No Pay?

Sila ay hindi kabilang sapagkat mayroon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na programang tinatawag na CAMP o COVID-19 Adjustment Measures Program na naglalayong magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na may reduction o walang kita dahil sa ECQ (DOLE Department Order No. 209 Series of 2020 at MC 9, Series of 2020, Section VII).

Sa kabilang banda, ang SAP-ESP naman ay naglalayong tulungan ang mga nasa impormal na sektor at makokonsiderang poorest of the poor (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).

  1. Paano makakarating ang SAP-ESP sa mga hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)?

Inilipat ng DBM ang paunang pondo sa DSWD;
Ibinaba ng DSWD Central Office ang pondo sa DSWD Field Offices (NCR, CAR, I-XII, CARAGA);
Ibinaba ng DSWD Field Offices ang pondo sa LGUs; at panghuli
Ang LGUs ang magsasagawa ng distribusyon ng ayuda sa mga kwalipikadong low-income na pamilya na pinakaapektado ng ECQ.

  1. Paano makakarating ang SAP-ESP sa mga napapabilang sa 4Ps, sa mga drayber ng TNVS at PUVs, at sa mga kwalipikadong pamilya sa BARMM?

Inilipat ng DBM ang paunang pondo sa DSWD;
Ibinaba ng DSWD Central Office ang pondo sa:
Landbank diresto sa cash card ng mga benepisyaryo ng 4Ps;
Landbank para iproseso ang pagbibigay sa mga TNVS at PUV drivers sa pangangasiwa ng DOT; at sa
BARMM upang diretsong maipamahagi sa mga kwalipikadong pamilya sa nasasakupan nito (MC 5, Series of 2020; MC 9, Series of 2020, Section VIII B).

  1. Ano ang mga mahahalagang tungkulin ng DSWD at LGU sa distribusyon ng SAP-ESP?

Ang LGU ang nagsasagawa ng distribusyon ng ayuda sa mga kwalipikadong low-income na pamilya na pinaka-apaketado ng ECQ; at
Ang DSWD ay magsusuri o magsasagawa ng tinatawag na validation sa loob ng labing-limang araw matapos ang pamamahagi ng ayuda ng LGUs upang matiyak kung karapat-dapat ang mga nabigyan ng ayuda o hindi higit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilyang nabigyan ng ayuda.

  1. Paano at saan ipamimigay ang SAP-ESP para sa mga hindi napapabilang sa 4Ps?

Para sa mga non-4Ps na pamilya, ang implementasyon ng DSWD sa SAP-ESP ay sa pamamagitan ng LGUs;
Ang katuwang na LGUs ang magbibigay ng Social Amelioration Program Cash grant sa mga kwalipikadong pamilya;
Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay o sa stratehiya ng local na pamahalaan, na may ibayong pagsunod sa mga patakaran ukol sa pagsusuot ng mask, paggamit ng alcohol at pagobserba sa itinakdang social distancing.

  1. Sino ang gagawa ng listahan ng mga benepisyaryo ng ESP?

Ang LGUs ang gagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang assessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na isasailalim pa din sa hiwalay na pagsusuri ng LGUs (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).

  1. Bakit nilagpasan kami ng naglilista?

Marahil base sa rapid assessment nila, kayo ay hindi kwalipikado. Kung sa tingin ninyo ay mali sila, dumulog sa tanggapan ng konseho ng barangay o sa LGU at sabihin ang inyong kalagayan upang kayo ay ma-assess (MC 9 Series of 2020, Section XII).

  1. Gaano katagal ang pag-a-assess ng mga LGUs at Barangay?

Depende sa bilang ng mga naninirahan sa barangay at depende na rin sa kooperasyon ng mga mamamayan.

  1. Paano ko matatanggap ang ayuda?

Dalawang paraan ang pwedeng piliin ng LGUs: una ang Direct Pay-out o House-to-house at distribution point pay-out scheme. Kung Direct Pay-out, manatili sa inyong bahay dahil ang itinalagang pinuno, taga-pagtala o distribution team ang pupunta sa inyo. Kung distribution point, manatili sa inyong bahay, bibigyan kayo ng itinalagang pinuno, taga-pagtala o distribution team ng hudyat kung anong oras kayo naka-schedule na pumunta sa itinakdang distribution area. Bawal pumunta ng mas maaga sa itinakdang oras. Anumang paglabag sa social distancing ay magiging sanhi ng pagkahinto ng SAP-ESP distribution (MC 9 Series of 2020, Section VIII).

  1. Kailan ko matatanggap ang ayuda?

Ang pondo para sa ayuda ay naibaba na ng DSWD sa LGUs. Ang LGUs naman ay nagsimula nang mamahagi ng ESP kada barangay kasama ang DSWD at PNP/AFP. Ang itinalagang pinuno, taga-pagtala o distribution team sa inyong barangay ang magsasabi sa bawat kwalipikadong pamilya ng iskedyul ng pagbibigay ng ayuda (MC 9, Series of 2020, Section VIII.B).

  1. Kung kasali ako, paano ko malalaman kung kailan ang pamamahagi ng SAP-ESP?

Magbibigay ng pabatid o impormasyon ang konseho ng barangay ninyo o mga itinalagang assessors sa inyong barangay (MC 9 Series of 2020, Section X).

  1. Bakit ang tagal dumating ng ayuda?

Nanghihingi kami ng pang-unawa at pasensya sapagkat limitado ang manpower ng pambansa at mga lokal na pamahalaan na nagtutulong tulong upang ibigay sa libo at daang-libong mga mamamayan ng isang lungsod o munisipalidad.

  1. Mayroon bang ginawang hakbang upang mapapabilis ang proseso ng pagbibigay ng ayuda?

Naglabas ang DSWD ng Omnibus Guidelines na nagsasaad na ang paglilista ay gagawin ng LGUs bilang basehan ng payroll. Bukod dito, ang LGUs kabilang ang mga barangay ay may mga kanya-kanyang listahan ng kanilang mga nasasakupan na maaari nilang magamit upang mas mapabilis ang pagsasapinal ng listahan ng dapat makatanggap ng ayuda.

  1. Ilang beses makakatanggap ng ayuda?

Dalawang beses. Ang pagbabahagi ay buwanan mula Abril hanggang Mayo taong 2020 para sa mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng ECQ. (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).

  1. Pwede bang hatiin ang ayuda para mas marami ang mabigyan?

Hindi pinapayagan ng batas ang paghahati sa ayuda. Ang halaga ng ayuda ay base sa minimum wage ng isang manggagawa sa rehiyon. Ito ay maaaring kulang o sasapat lamang sa pangunahing pangangailangan ng isang mahirap na pamilya. Isumbong sa DILG ang sapilitang paghahati o pagbabawas ng ayuda (MC 9 Series of 2020, Section IV – D).

  1. Paano kung wala ako na maipakita na ID sa panahon ng pagsasagawa ng payout o distribusyon ng ayuda?

Maliban sa ID, maaaring mag-isyu ang punong barangay ng sertipikasyon o patunay na ang tatanggap ng ayuda ay residente ng kaniyang barangay at nangangailangan ng ayuda dahil lubos na naapektuhan ng ECQ (MC 9 Series of 2020, Section VII-A1).

  1. Ano and SAC Form?

Ito ay isang form na may barcode at serial number na pinamamahagi sa mga barangay upang makuha ang profile ng mga pamilya at mamonitor ang pagbibigay ng ayuda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim na SAP.

  1. Mayroong binigay sa akin na form pero photocopy lamang. Tama ba ito?

Hindi. Tanging ang Barcoded SAC Form lang ang maituturing na katanggap-tanggap o valid sapagkat ito ay may unique barcode (MC 9 Series of 2020, Section IV-H).

  1. Kada isang pamilya o bahay ba ay mabibigyan ng SAC form?

Hindi lahat ay bibigyan ng SAC. Ang bibigyan lang ay mga pamilya na may miyembro na Informal Economy Worker o napapabilang sa bulnerableng sektor at bibigyan ng prayoridad ang mga maliit ang kita at pinaka-apektado ng krisis (MC 9 Series of 2020, Section C).

  1. Paano kung sa isang bahay, dalawang pamilya kami?

Kada-pamilya ang bilangan – hindi kada-indibidwal. Ngunit ang (mga) kwalipikadong pamilya lamang ang mabibigyan ng Social Amelioration Card (SAC) (MC 9 Series of 2020, Section VI-A).

  1. Paano kung nabigyan ka ng SAC form ngunit hindi ka kwalipikado sa ayuda?

Maaaring ibalik ang SAC form sa inyong Barangay o sa LGU kung ikaw man ay nakatanggap ngunit sa tingin mo ay hindi kwalipikado ang iyong pamilya dahil:

hindi kayo maituturing na low-income family na kabilang sa impormal na sektor;
ang inyong kabahayan ay mayroong miyembro ng 4Ps;
ang kahit isa sa miyembro ng niyong pamilya ay nakatanggap na ng ibang ayuda mula sa programa ng ibang ahensya ng gobyerno; at
dahil sa iba pang kadahilanan (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).

  1. Maari bang mag-apply sa DSWD para maisama sa lista sa makakatanggap ng SAP-ESP?

Hindi kailangan mag apply para makakuha ng SAP-ESP. Ang mga kawani ng mga barangay ang mismo mag-iikot para mag-lista at mamahagi ng SAC sa mga kwalipikadong mga pamilya.

  1. Meron bang ginagawang balidasyon and DSWD upang matiyak na kwalipikado ang pamilya at hindi ba nakakabagal ito sa proseso ng pagbibigay ng ayuda?

Ang ginagawang balidasyon ng DSWD ay pagkatapos matanggap ng pamilya ang ayuda o ang “payout now, validation later” kung kaya hindi makakabagal ang balidasyon na gagawin dahil tapos na ang pagbibigay ng ayuda para sa unang buwan (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).

  1. Ano ang layunin ng balidasyon ng DSWD kung tapos na ang papagbibigay ng ayuda?

Ang balidasyon na gagawin matapos ang pagbibigay ng ayuda ay naglalayong suriin kung karapat-dapat ang benepisyaryo o walang duplikasyon o hindi hihigit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya na inatasang magpatupad ng hiwalay na tulong sa ilalim ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).

  1. Paano kung makitang hindi karapat dapat o may duplikasyon sa subsidiya?

Magkakaroon ng imbestigasyon upang mapag-aralan ang karampatang aksyon; at
Hindi na muling makakatanggap sa susunod na payout (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).

  1. Paano kung sa aking palagay ay kwalipikado ako sa programa ngunit di ako nakasama, ano ang gagawin?

Ang mga pamilyang hindi kabilang sa diskwalipikadong pamilya na hindi napabilang sa mga nakatanggap ng ayuda sa anumang kadahilanan ay mayroong tatlong araw (calendar days) mula sa distribusyon ng subsidiya sa barangay upang manghingi ng rekonsiderasyon sa Provincial/City/Municipal Social Welfare Development Office (P/C/MSWDO) upang maibilang sila sa listahan ng mga kwalipikadong pamilya. Ang mga tanggapan ng P/C/MSWDOs ay maaaring nasa kapitolyo ng mga pamahalaang panlalawigan, lungsod at munisipalidad sapagkat ay mga ito ay nasa ilalim ng mga lokal na pamahalaan at hindi sa DSWD (MC 9 Series of 2020, Section XII).

  1. Kung hindi ka kasamang nabigyan ng ayuda sa pamamagitan ng SAP-ESP, may maaasahan ka pa bang tulong mula sa pamahalaan?

Kung sa tingin ng LGUs ay mayroong naiwan na mga karapat-dapat na mapabilang sa programa (o tinatawag na left out beneficiaries o families), maaaring ilista ang mga pamilya para ma-endorso sa DOF at DBM upang mapag-aralan kung paano mabibigyan ng kaukulang pondo.

  1. Paano ang gagawin sa mga nakalista na hindi kwalipikado?

Kung tapos na ang distribusyon ng ayuda, hindi na sila muling makakatanggap sa susunod na payout. Nakasaad din sa Memorandum of Agreement (MOA) ng DSWD at LGUs na kung may mga hindi kwalipikadong pamilya na nabigyan ng ayuda, kailangang ibalik ng LGUs ang ayudang nauna ng naibigay (MC 9, Section VIII (B), No. 6.1).

  1. Ano ang mga parusahang ipapataw sa mga kawani ng barangay na inuuna sa pagbibigay ng ayuda ang kanilang pamilya, kamag-anak, kapitbahay o kaalyado na hindi naman kwalipikado?

Maari silang sampahan ng administratibo, sibil at criminal na mga kaso, at pwede ding matanggal sa posisyon (Bayanihan Act, Section 6).

  1. Kung may iba pa akong katanungan, saan ako maaaring dumulog o tumawag?

Maaari rin kayong tumawag sa DSWD Central Office- Operations Center sa 24/7 hotline na numero 16545 o mag-email sa [email protected] Maari ring tumawag/mag-text/sumangguni sa DSWD Field Office na nakakasakop sa inyong lugar.

DSWD SAP BENEFICIARIES LIST HOTLINE NUMBERS

TEL: 16545

CALL ONLY
SMART: (947) 482 – 2864
GLOBE: (916) 247 – 1194
SUN: (932) 933 – 3251

TEXT ONLY (918) 912-2813

EMAIL: [email protected]

DSWD RELIEF AGAD NUMBERS

TEL: 8424-2828

SMART: (961) 750 – 7287 | (961) 961 – 750 7288
GLOBE: (977) 656 – 1191 | (977) 656 – 1192
SUN: (931) 092 – 9442 | (931) 092 – 9442

WEBSITE: www.reliefagad.ph

DISCLAIMER: 

PDOSPH.COM is NOT affiliated with the Commission on Filipinos Overseas (CFO), or the Philippine Overseas Employment Administration (POEA), or any Philippine recruitment agencies or Canadian immigration consultants or lawyers.

All content on PDOSPH.COM is for informational purposes only. PDOSPH.COM makes no representations to the accuracy or completeness of any information on this site or any links found therein.

PDOSPH.COM will not be liable for any error or omission, nor for the availability of the information.

PDOSPH.COM will not be liable for any losses, injuries or damages from the display or use of information

46 COMMENTS

  1. C Lister Madrazo po Ito..paano po kami sir/mam na hindi po na interview at nabigyan ng dwsd no work no pay po ka.c ako…

  2. Kami po dto sa phase 1f sa suburban village wala po kami sa masterlist ….mahirap po kami d kami nakasama po ?

  3. Tinapon ko po yung form need para sa second wave ng SAP hindi ako maka pag register pano po iyon ano amg dapat gawin meron ba kayong manual system gaya ng unang ginawa nyo salamat po

  4. Good day tanong kolang po pwede poba kming makakuha ng form sa sap kasi hindi papo kmi nakatanggap ng ng form at hindi po kmi kasali ng 4ps wala po kming ntatanggap na ayuda n kahit ano constraktion worker po ako may tatlong anak walang wala npo talaga kami kasalukuyan wala paring trabaho sana po makatanggap po kami ng tulonf ako po si angelo santos

  5. Ako po ay isang PWD’s pero hnd po ako nbigyan ng form kht nung unang ayuda lactaiting mom p po ako hnd po ako ntlngan ng barangay dto dhl hnd daw ako tga dto naggagamot p ako knino po ako lalapit.

  6. sabi po ni sec duque,wala na 2nd tranched mga nasa GCQ, panu nmn po yung iba na nde pa makapagwork..kahit nmn GCQ mahigpit pa din nsa pandemic pa din nmn..katulad q solo parent panu na kmi ng anak q…salamat po

  7. Magandang ARAW PO,,, ako PO SI Mayrose Ostaco taga Tarlac city,,, ako PO ay magtatanong lamang,, miyembro PO NG 4ps Ang aking asawa,,, gusto ko lng ho Sana malaman Kung makakakuha pa ba kmi NG second tranche NG ayuda nitong June,,, maisasama PO ba Ang mga 4ps… Maraming Salamat PO…

  8. Sir /madam..sana naman po makasali aq sa sap..dpo kasali ang agency na napasukan q..wala a1ng nkuha khit isa sa mga programa ng government.sss,sap at etc.sabi ng dswd na pumunta sa amin..if d na aprobahan ang agency na nasakupan nmin sya daw mismo magbigay ng form.pero bumalik aq sa barangay leader wala n daw po..sana nman po mabigayn aq ng chance..waiting po sa sagot nyo.im from quezon city brgy.tatalon..09350298822 yan po # ko..sana po mapansin nyo..salamt po

    • Ang reklamo ko po about ayuda po
      Ako po mom or sir may ayuda ako but kinuha amo ko po 7950 ang kinuha nya po ay 5000 po
      Yan daw ang sahod ko po isa akong kasambahay po.tulungan nyo ako po

  9. ang asawa ko po ay may form na pinil apan kaylan po mattanggap ung sap kc hanggang ngayn wla po kming balita sa aming baranggay ako po ay taga laspiñas may pagasa po ba nming makuha ung sap nakkitira lng po kming mag asawa sa bhay ng nanay ko po may kuryente po kming byarin kapus po ung kinikita ng asawa ko po may anak po kming ginagatas

  10. bakit po yung iba nka kuha n po ulit ng ayuda bkit po ako wala p nkapg parehisro nmn po aq at ang pinile ko po sa palawan padala

  11. Ask ko lang po sana kung pwede kong pa verify ung aking second sap o ayuda ako po si paola renz arzola

  12. Good morning po mam/sir.. Mkakakuha po vah kmi ng ka live in q ng SAP kc dlawang buwan plng kmi dto xa tinitirhan nmin? Wla po aqng work tas ung ka live in q driver lng dto po kmi talon amadeo cavite… …,
    Noeme Talja
    09515539143

  13. bakit po wala pang nag text sakin nakakuha na po ako ng unang 8k mero yong pagalawa wala pa hndi rin po ako nka redester sa rielip agad sana po matulonga nyo po ako eto po ang no.ko 09282021631

  14. Bakit po hindi ako nabigyan ng 2nd wave , kasi daw po 4ps daw po mama ng asawa ,eh alam namn po nila hindi ako kasali dun at isa po buntis po ako wala po work asawa ko . Nag pila ako umaga hanggang hapon tapus nung nakausap na ako ng DSWD binalik nila form ko . Wala man lang silang awa saakin buntis po ako hindi ako pinagbigyan ,, umuwe po akong luhaan , hanggang ngayon andito paren po form ko . Sana matulungan niyo po ako para makuha 2nd wave na ayuda para sa pangangailan ni baby salamt po goodbless …

  15. Dear Sir /Mam,

    Hanggang ngayon po hindi ko pa din nakukuha yung ikalawang ayuda ko.sabi po nung Aug.12 dun sa staff ng CSWD ng barangay namin na iba na daw po yung name na nakalagay dun sa masterlist.sabi ko po sa kanya bakit nawala yung panganlan ko,wala naman nabago sa sitwasyon ko mula pa nung natanggap ko yung unang ayuda.wala pa din po akong trabaho,below minimum yung sahod ko, anim po ang anak ko at umuupa lang po kaming bahay.sabi nya po sa akin,wag na daw po akong mag-alala dahil naapela na na daw po nya yung concerns ko.bumalik po ako nung Aug.26,sabi po sa akin,wala pa din daw po yung name ko dun sa listahan ng mga ite-text o tatawagan para mabigyan ng ikalawang ayuda.tapo nung pumunta po ako nung nakaraang Huwbes (Sept. 17) sabi po sa akin nung taga DSWD namin sa barangay na wala pa din daw po yung name ko at maghintay pa daw ako kasi baka umabot pa daw ng PASKO yung pamimigay nila.mabuti nga daw yun kung sa PASKO ko makukuha yung ayuda ko dahil magkakapera ko.natawa din po yung mga kasamahan nya pagkatapos nyang sabihin sa akin yun.wala po bang deadline yung pamimigay ng ikalawang ayuda?tama po bang maghintay pa ako ng ganung katagal o pinapaasa lang po ako.pakitulungan nyo naman po ako.kasi madami na pong nakatanggap na mga kasabayan ko nung unang ayuda.salamat po.

  16. Baket po ganun wala ang pangalan ko sa List ng 2nd tranch dito po sa san isidro rodriguez rizal? Nakapag registered naman po ako sa ReliefAgad.com noon at may sinend pa saken noon na OTP code pero bat wala ako sa master list ng mga nasa 2nd tranch. Sana naman po mapansin nyo po mga katanungan namen.

  17. magandang buhay posa lahat ng staff ng dswd,,sana po ay pumansin ng aking hinaing! october na po wala p po akong natatangap mula 1st at 2nd ako ay my 5 anak at manganganak n po ngayong october,, my sac form po ako at nasa kin po ang kalahati ng form pero wala p po tumatwag s akin,, wala rin po ako s master list,, sana pi bago ako manganak ay mkatangap n po ako,, pls sana po myagandang loob n tumulong sa akin na mailapiy ako sa pinaka main office,,
    ako po si MA.TERESA MACATO JULY 02 1982

  18. bakit hnd po ako natawagan solo parent at my sakit sa baga richardlacap po ng brgy 553 zone 54. hanggang ngyn walang tawag.09565444263

  19. bakit hnd po ako nakatanggap ng 2nd SAP.solo parent po at my sakit sa baga.walang trabaho.brgy553 zone 54 dito sa sampaloc.richardlacap po.09565444263

  20. Mam/sir ask ko lang po kng pano makukuha yong sa second tranche ng SAP dahil hanggang ngayon po wala pa po kaming nakukuha o di pa po namin nakukuha yong second tranche ng SAP …sabi po sa brgy wait lang nmain yong text pero hanggang ngayon wala namang nag tetext samin yong form po namin na pinill upan nasa brgy na po …yong ibang brgy nakakuha na yong sa brgy namin sa 905 wala pang nakakakuha kahit isa …ano po bang dapat naming gawin para malaman kng makukuha pa ba o hindi yong sa second tranche …

  21. Elisar Cuevas Torres po itu
    Ofw repatriation dahil sa company and pandemic..

    Hingiin ko sana attention nyo,, hingi po sana ako ng food and cash assistance para mka pag umpisa ulit..

    09634689870 yan po number ko.
    [email protected]

  22. Morning po wala pa po kasi kami na tatanggap ng 2nd wave . 1st wave palang po d2 sa bry 194 pasay city pero nag released n po cla ng 2nd trans. Follow up ko lang po im solo parent Helen P. Magana po name ko . Thank you po

  23. Hello Maam/Sir,

    SImula noon hanggang ngayon matatapos nalang po bigayan di padin po ako nabigyan sana po manual payout niyo nalang po wala po kasi pumapasok sakin sa sinasabe niyo digital payment na yan unfair wala akong work single mom ako hays sana po matugunan niyo po ang aming mga hinaing 🙁

  24. HELLOW ..PO MAMA.SIR ASK LNG PO KUNG MAKUKUHA PA PO BA YUNG 2NDWAVE NG AYUDA NAMIN ASK LNG DIN KUNG KAILKANN MAIIBIGAY UMAASA PO KAMI DTO SA LUGAR NGTONDO BRGY 128..KCI PO MARAMING PANG HND NAKAKAKUHA KASI PO MALAKING TULONG PO SAMIN YUN ..KUNG MAKUKUHA NAMIN YUN DAGDAG PUHUNAN DIN PO YUN…SANA NA PO MAIBIGAY NYU NA PO SALAMAT PO….

  25. HELLOW ..PO MAMA.SIR ASK LNG PO KUNG MAKUKUHA PA PO BA YUNG 2NDWAVE NG AYUDA NAMIN ASK LNG DIN KUNG KAILKANN MAIIBIGAY UMAASA PO KAMI DTO SA LUGAR NGTONDO BRGY 128..KCI PO MARAMING PANG HND NAKAKAKUHA KASI PO MALAKING TULONG PO SAMIN YUN ..KUNG MAKUKUHA NAMIN YUN DAGDAG PUHUNAN DIN PO YUN…SANA NA PO MAIBIGAY NYU NA PO SALAMAT PO….

  26. Marlon plumo sulitas 09092092216
    Matatanggap ko pa kaya Yong 2nd trance sa g cash ko unang nakuha Yong 1 St trance Yong 2nd trance g cash pa Rin ba o starpay
    Batasan hills po ako nakatira

  27. Nakakuha po ako ng 1st tranche ng sap bakit ngayong 2nd tranche wala po sa listahan name ko? Ano po gagawin ko? Please help.

  28. Angkas rider po ako mka kuha n po alo mg 1st,tranches bkit wala p po ung 2ngld tranches ko.salamat po s pags sagot .

  29. Fandango hapon po bkit po hanggang ngaun po Hindi po ako natitix NG sap qualified nman po ako. Nakapagrehistro naman po ako sa online at nag fill up naman po ako NG form bkit po wla name ko sa list

  30. Tanong kulang pp kc wla p po akong natanggap n ayuda mula 1&2 tranche .kailan po kya yung tawag n sibasabi kc sabi sa amin antayin dw ang tawag ng dswd.pinagpasa ako ng zerox ng form ng ayuda ko.

  31. pano po ung nsa masterlist ung name nung una pero nsa provnnce nlockdown tpos nkauwe n mnla tpos av nliquidate ndw po ung name wla nb pgasa mksma pa sa sap un.. kht n qualipikado nmn po s sap.. dq alm sn aq lalapit kasi gnun dn ssvhn nla wla n dndw mkkha dn pwede mgplista pls help po

  32. Kami Simula ng magbigayan ng ayuda ni singkong duling ewla kami nakukuha kahit ang aking ama ala din nakuhang ayuda senior citizen at wala ng trabaho dahil mahina narin ang karaWan sana maging patas naan ang ibang naaahala sa ga brtgy at tingnan mabuti ang katayuan ng bawat pamilya sa knyang nasasaklupan ng sa ganun maging patas sila samga bibigyan ng sac form..Sana kahit isa saaMin ng aking maKakuha ng ayuda.

  33. Marami po dto sa aming Lugar …Ang nakakuhang 2nd trace ay puros may Kaya samantalang kaming mahhirap. Pa sa daga ay wla pa pong natatanggap na pangalawang ayuda paki embistigahan nman po

  34. Bakit po ako ay wla pa po ng second trance eh sa first trance ay meron po ako. Ang mga kasabayan ko po ng una ay nakakuha na unit ng padalawa po. Sna po ay matulongan nyo po ako.

  35. Tanung ko lang po kung makakatanggap p po b ang asawa ko sa second sap.anacleto lictaoa po ang pangalan ng asawa ko.salamat po

  36. Good day.. kami po ay taga pleasantville subdivision phase 3 ilayang iyam lucena city quezon province.
    Bakit po kaya hindi nakatanggap ng SAP ang father ko? Samantalang pareho na po senior ang parents ko.. pero di man lang po sila nabigyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.